Other languages: English | Русский | Français | Español | Italiano | Filipino | Indonesia | Português | 中文 | Türk | Add your language
Sa bawat larawan kailangan mong piliin (i-click) ang tamang unggoy. Isa sa anim. Ang tamang sagot ay makadaragdag sa iyong iskor, habang ang maling sagot naman ay makababawas (Parehong Halaga) sa iyong iskor. Isang subok lamang ang maaari mong gawin (Sa bawat set ng larawan).
Ito ang madali (level 1) halimbawa:
Makikita mo na magkakaiba ang mga unggoy - meron silang magkakaibang salamin (lima "mapusyaw na asul" at isa "walang salamin") at bibig (lahat silang anim ay magkakaiba - sa dila, may sigarilyo, nakangiti, atbp).
Dapat mong makita kung anong aytem/bagay/biswal ang lubos na magkahawig (pareho) sa limang unggoy, habang ang isa ay mayroong "ganitong" kaibahan. At ang unggoy na mayroong "ganitong" kaibahan ay ang tamang sagot. Basahin itong mabuti. Ito ang pangunahin at nag-iisang pampanalong patakaran
Sa halimbawa sa taas "salamin" ang susi - Ang unggoy #1, #2, #3 , #5, #6 ay mayroong magkakaparehong salamin, at ang unggoy #4 ay naiiba (walang salamin). Si Unggoy #4 ang tamang sagot.
Ikalawang Halimbawa:
May nakikita tayong tatlong magkaibang aytem/bagay/biswal na uri:
Para mahanap ang sagot kailangan natin hanapin ang 5 na unggoy na mayroong lubos na pagkakahawig na aytem at 6-th na unggoy na may naiiba. Bibig ang susi rito, at unggoy #5 ang sagot.
Ikatlong Halimbawa(Subukang sagutin ng sarili bago basahin ang tamang sagot):
Ano ang meron tayo diyan?
Para mahanap ang sagot kailangan natin hanapin ang 5 na unggoy na mayroong lubos na pagkakahawig na aytem at 6-th na unggoy na may naiiba. Salamin ang susi rito, at unggoy #1 ang sagot.
Muli: kailangan mong hanapin ang aytem/bagay/biswal na mayroong lubos na pagkakahawig (pareho) sa limang unggoy, habang ang isang unggoy ay mayroong "ganitong" kaibahan.
Malapit kana maging handa sa paglalaro, ngunit meron muna akong ilang importanteng mga tala para sayo:
Sapat na ang palatuntunan at manwal, BUMALIK SA LARO. Good luck.
Nais mo bang malaman kung bakit ang larong ito ay tinatawag na "Black Monkey"? Basahin ang tungkol sa itim na tupa sa wikipedia. Kung ang wika mo ay Russian, maaari mong basahin ang tungkol sa белая ворона.
Version: yellow | Design by nobody | Programming by just_dmitry | Banano: Discord | Manual translated by moonuranus#7398